Ipinakita kay Pangulong Duterte ni Isabela Gov. Faustino Dy III ang mga kagamitan na inihanda ng provincial government sa pagresponde sa mga biktima ng bagyong Ompong na nagdulot din ng matinding pinsala sa lalawigan. Kasama rito ng Pangulo si Special Asst. to the President Bong Go.
81 na patay kay ‘Ompong’
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 81 ang nasawi sa paghagupit ng bagyong Ompong habang 70 katao pa ang missing na karamihan ay mga biktima ng landslide sa Cordillera Region.

Inihayag ni PNP Spokesman P/ Sr. Supt. Benigno Durana Jr. na karamihan ay nasawi sa landslide nang manalasa ang bagyo sa Region 1, II, III, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Kabilang sa 70 na­wawala ay 66 katao sa  Cordillera, dalawa sa Region 1, dalawa sa NCR habang 71 ang nasugatan.

Ayon kay Durana, nasa 231 pa ring barangay ang lubog sa tubig baha sa Central Luzon at nasa 74 mga kalsada at highways ang hindi pa rin madaanan. 

Kabilang sa mga narekober na bangkay ay 66 sa Cordillera; isa sa Region 1; 10 sa Region 2, dalawa sa Region 3 at dalawa sa NCR.

TYPHOON OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with