Sa kanyang Facebook post, hinirit ni Roxas kay Pangulong Duterte na time out muna sa pulitika at ang dapat aniyang gawin ay pagtuunan muna ng pansin ang mas mabigat na isyu gaya ng usapin sa bigas.
Mar Roxas sinupalpal ng Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinopla ng Palasyo si dating Sen. Mar Roxas sa naging suhestiyon nito kay Pangulong Duterte na magkaroon muna ng political ceasefire.

 Sa kanyang Facebook post, hinirit ni Roxas kay Pangulong Duterte na time out muna sa pulitika at ang dapat aniyang gawin ay pagtuunan muna ng pansin ang mas mabigat na isyu gaya ng usapin sa bigas.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas makakabu­ting manahimik na lamang ang talunang presidential candidate.

Ipinunto ni Sec. Roque, kung susukatin aniya kasi ang naging karanasan ng dating kalihim noon sa Leyte partikular ng matapos na ang pananalasa ng bagyong Yolanda nung 2013, makabubuting muli na lang aniyang manahimik ang dating DILG chief kaysa magbigay ng suhestiyon sa administrasyon.

Matapos ang matagal na pananahimik kasunod ng pagkatalo sa 2016 presidential election, muling nagparamdam si Roxas kahapon sa pamamagitan ng FB post na nagbibigay ng suhestiyon na dapat gawin ng pamahalaan tungkol sa isyu ng bigas, TRAIN law at conditional cash transfer.

Samantala, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go karapatan ni Roxas ang maghayag ng kanyang saloobin dahil sa umiiral na demokrasya sa bansa pero batid naman aniya ng pamahalaan ang sitwasyon.

Ayon kay Sec. Go, tini­tingnan ng mga economic manager ng pamahalaan ang inflation at ginagawan na ito ng paraan.

Binigyang-diin ni Go na maging si Pangulong Duterte ay batid ang sitwasyon kaya nakapagpalabas na ito ng kautusan sa kanyang economic team at mga kinauukulang ahensya.

MAR ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with