Ito ang magkaparehong pahayag nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa mga lokal na opisyal na “missing in action” habang may kalamidad sa kanilang mga nasasakupang lugar.
10 mayors na nasa Maynila noong ‘Ompong’ panagutin – senators
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat managot sa batas ang mga mayor na napaulat na nasa Maynila habang nananalasa ang bagyong Ompong sa kani-kanilang probinsiya noong nakaraang linggo.

Ito ang magkaparehong pahayag nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa mga lokal na opisyal na “missing in action” habang may kalamidad sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Ayon kay Drilon, maituturing na kapabayaan ang ginawa ng mga mayors na lumuwas pa ng Maynila kahit may ulat na tungkol sa parating na bagyo.

“The mayors should be held to account. Bakit nandito sila sa Maynila habang yung kanilang mga lalawigan at munisipyo ay dinadaan ng bagyo. To me, that is gross neglect and they should be investigated,” sabi ni Drilon.

Ayon naman kay Lacson, bukod sa negligent ay parang “insensitive” rin ang mga opisyal.

“Kasi araw-araw nakakarinig tayo ng kalatas sa DOST, sinasabi ito ang bagyo malakas tapos aalis ka sa bayan mo?” sabi ni Lacson.

Hindi aniya makatarungan ang ginawa ng mga mayors na maaari lamang mawala sa kanilang nasasakupan sa panahon ng kalamidad kung nasa “life and death” na ang sitwasyon.

Ipinauubaya ni Lacson sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung ano ang dapat gawin sa mga alkalde na hindi pa pinapapangalanan para maiwasan ang “trial by publicity”.

Pero nabatid na ang mga ito ay mula sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

TYPHOON OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with