^

Bansa

Biktima ng kalamidad pinasasama sa 4Ps

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Biktima ng kalamidad pinasasama sa 4Ps
Nais ni Poe na ibigay sa mga biktima ng natural calamities katulad ng bagyo at baha ang limang porsiyento ng CCT.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Sen. Grace Poe na dapat magkaroon ng slots sa conditional cash transfer (CCT) program na kilala rin sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga biktima ng matinding kalamidad.

Nais ni Poe na ibigay sa mga biktima ng natural calamities katulad ng bagyo at baha ang limang porsiyento ng CCT.

“That means for every one million CCT enrollees, we are keeping 50,000 in reserve, for those who will be displaced in the future,” sabi ni Poe.

Umaabot sa P88 bilyon ang nakalaan para sa 4Ps sa panukalang 2019 national budget.

Ikinatuwiran ni Poe na bilang isa sa mga bansang tinatamaan palagi ng matinding kalamidad dapat ay nakalatag na ang mga dapat gawin sa mga nasasalanta nito.

Kung awtomatiko aniyang ilalagay sa listahan ang mga biktima ng kalamidad, magkakaroon ng garantiya na makakatanggap sila ng regular na tulong.

Ang regular na requirement aniya sa pagpili ng mga regular na 4Ps ay dapat ding sundin sa pagpili ng mga benepisyaro sa mga disaster 4Ps recipients.

“Sila ‘yung mahirap na nga, binagyo pa. Walang-wala na nga, minalas pa. Those who are poor to begin with are the most vulnerable when disaster strikes. These are the financially bankrupt. ‘Yung kaunti ang ari-arian, inanod pa,” dagdag ni Poe.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with