^

Bansa

50 pa sa landslide sa Itogon malabong mabuhay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
50 pa sa landslide sa  Itogon malabong mabuhay
Sinabi kahapon ni Itogon Mayor Victorio Pa­lang­dan na maliit na ang tsansa at milagro na la­mang na may mabuhay pa sa mga na-trap na biktima.

MANILA, Philippines — Siyamnapu’t-siyam na porsiyento na malabo nang marekober nang buhay ang tinatayang 40-50 pang katao na na-trap sa delubyo ng landslide sa kasagsagan ng pananalasa  ng superbagyong Ompong sa Itogon, Benguet

Sinabi kahapon ni Itogon Mayor Victorio Pa­lang­dan na maliit na ang tsansa at milagro na la­mang na may mabuhay pa sa mga na-trap na biktima.

Sinabi ni Palangdan na matagal nang nagsara ang nasabing minahan at kabilang sa mga inabando­nang mining sites pero sa kabila nito ay nag­sa­gawa pa ng small scale mining operations ang may-ari ng minahan.

 Nabatid na halos kalahati ng bayan ng Itogon ay nagkaroon ng landslide  sanhi ng paglambot ng lupa.

Base naman sa tala ng Regional Offices, sinabi ni Philippine National Police Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana na umaabot na sa 65 ang naitalang nasawi na karamihan ay mga minerong biktima ng landslide sa Itogon.

 Ayon kay Durana, dakong alas-2 ng hapon kahapon ay nasa  40 na ang bangkay na narekober  sa Itogon kabilang ang 34 na minero na naguhuan ng bundok ang bunkhouse sa Brgy. Ucab at isa rin sa Brgy. Loacan ng nasabing bayan sa kasagsagan ng matinding hagupit ni Ompong.

Tatlong bangkay ang nakuha naman sa  bayan ng La Trinidad  at isa naman mula sa bayan ng Tuba; pawang ng lalawigan ng Benguet; apat sa Cagayan, apat sa landslide sa Nueva Vizcaya, dalawa sa Central Luzon, isa sa Caloocan City na guwardiyang nadaganan ng pader, isa sa Bicol Region, isa sa Ilocos Sur, anim sa Mountain Province, isa sa Kalinga at  9 sa Baguio City.

Gayunman sa pinakahuling ulat ay dalawa pang bangkay ang narekober kahapon ng hapon sa  Itogon.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with