Sa ulat ng Philippine Atmospheric and Geological Atmospheric Service Administration, kabilang ang Ipo Dam sa Bulacan, Ambuklao at Binga Dam sa Benguet, San Roque Dam sa Pangasinan at Magat Dam sa Isabela na patuloy na naglalabas ng tubig.
5 dam tuloy sa pagpapalabas ng tubig
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos lumabas ng bansa ang bagyong Ompong, limang dam ang patuloy na nagpapalabas tubig kahapon.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric and Geological Atmospheric Service Administration, kabilang ang Ipo Dam sa Bulacan, Ambuklao at Binga Dam sa Benguet, San Roque Dam sa Pangasinan at Magat Dam sa Isabela na patuloy na naglalabas ng tubig.

Nabatid na ang Ambuklao Dam ay nagtutungo sa Binga Dam at mula dito ay bababa ang tubig sa San Roque Dam at saka dadaloy sa Agno River.

Samantala, gaganda na umano ang lagay ng panahon ngayong araw ng Lunes matapos lumabas patungong China ang bagyo.

Ayon kay Gener Quit­long, senior weather spe­cialist ng  PAGASA,  napa­natili ni Ompong ang lakas na 145 kph kada oras at bugso na 180 kph.

Bandang alas-4 kahapon ng umaga namataan ang mata ng bagyo sa 480 kilometers west northwest ng Laoag City, Ilocos Norte o labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Samantala, hinahatak naman ni Ompong ang southwest Monsoon o Habagat at maaari pa rin itong magdala ng manaka-nakang hangin at light to mode­rate na pag-ulan sa Western Visayas, MIMAROPA, Ilocos Region, Batangas, Bataan at Zambales.

Kaya pinapayuhan ang mga residente sa naturang lugar lalo na ang mga nasa mababang lugar na mag-ingat dahil sa posibleng landslides at pagbaha.

Inaasahan naman ng PAGASA na makakaranas ng magandang panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw simula nga­yong Lunes.

DAM TYPHOON OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with