Ayon sa PAGASA, bumilis ang bagyo sa 30 kilometers per hour habang taglay pa rin nito ang lakas na 205 kilometers per hour at bugso na 255 kph.
Boy Santos
Signal No. 4 sa Cagayan, Isabela
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa tropical cyclone signal number 4 ang Cagayan at northern Isabela habang papalapit ang pagtama ng bagyong Ompong sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, bumilis ang bagyo sa 30 kilometers per hour habang taglay pa rin nito ang lakas na 205 kilometers per hour at bugso na 255 kph.

Signal No. 3 naman sa Babuyan Group of Islands, southern Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Signal number 2 sa Batanes, La Union, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, southern Aurora at northern Zambales

Habang signal no. 1 sa southern Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon kabilang ang Polillo Islands, northern Occidental Mindoro, northern Oriental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay,  Sorsogon, Burias, Ticao Islands at Northern Samar.

Patuloy naman ang babala ng PAGASA sa posibleng storm surge sa mga lugar ng Cagayan at Isabela na maaaring uma­bot sa 6 meters ang taas.

Nabatid pa na ang bag­yong Ompong na nakaamba sa bahagi ng Isabela ang pinakamalakas sa 15 bagyo na nanalasa sa bansa ngayong taon.

Inaasahan namang la­labas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo ngayong Linggo. 

Kaugnay nito tatlong dam sa Luzon ang nagpa­kawala ng tubig.

Kabilang dito ang Ambuklao dam sa Benguet na nagbukas ng apat na gate at nagpalabas ng 2 metrong tubig matapos na umabot sa 751.02 metro ang lalim ng tubig at spilling level na nasa 752 metro.

Ang Binga Dam sa Benguet ay nagbukas din ng apat na gate na nasa 2 metro kung saan ang imbak ng tubig dito ay nasa 573.85 metro at nasa 575 metro naman ang spilling level.

Samantala ang Magat dam sa Isabela ay nasa 188.51 metro ang water level at nasa 190 metro ang spilling level na nagbukas din ng apat na gate.

TYPHOON OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with