5.2 M katao apektado ni Ompong
Victor Martin, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 5.2 milyong re­sidente ang tinata­yang maaapektuhan ng bagyong Ompong na karamihan ay mula sa mahihirap na pamilya.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Edgar Posadas, sa nasabing bilang, 983,000 dito ay nasa below poverty line.

Ibig sabihin, kulang ang kanilang resources sa gagawing paglikas.

Nilinaw din ni Posadas na hindi lahat ng 983,000 ang may pangangaila­ngan na ilikas o isailalim sa pre-emptive evacuation.

Inaasahan naman ng NDRRMC na bago pa man mag-landfall ang bagyong Ompong ay nailikas na ang mga residenteng nakatira malapit sa mga danger zones at mga baybayin.

Ito ay dahil mataas ang banta ng storm surge kung saan hanggang tatlong palapag ng isang building ang taas ng tubig.

Samantala, nagpaka­wala na rin ng tubig ang Magat Hydro-electric Power and Irrigation Project sa bayan ng Ramon, Isabela matapos buksan ang dalawang spillway gates dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Nag-umpisa na rin na mawalan ng daloy ng kuryente sa ilang lugar sa Cagayan at Isabela.

Bukod sa mga pasok sa opisina at lahat na antas ng paaralan ay kanselado na rin ang mga domestic at local flights sa Cauayan Airport sa Isabela at Tuguegarao Airport sa Cagayan.

BAGYONG OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with