Ang apela ay ginawa ng kalihim sa gitna ng ma­la­king posibilidad na mismong ang mga maghahatid ng tulong ay maging biktima rin ng kalamidad.
‘Habaan ang pasensiya kung maantala ang relief goods’
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

Sec. Go sa mga residente

MANILA, Philippines — Umapela si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyong Ompong na habaan ang pasensya sa paghihintay ng ayuda na magmumula sa pamahalaan.

Ang apela ay ginawa ng kalihim sa gitna ng ma­la­king posibilidad na mismong ang mga maghahatid ng tulong ay maging biktima rin ng kalamidad.

Sinabi ni Sec. Go, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mabilis na maipahatid ang tulong na kakaila­nganin ng mga tatamaan ng delubyo ni Ompong.

Ayon kay Go, sa katunayan ay may mga una nang naipadalang tulong sa mga lugar na mahahagip ng bagyo gaya sa Batanes kung saan may naipadala nang relief goods mula sa national government.

BAGYONG OMPONG BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with