Sa halip, binigyan ng limang araw ni Branch 150 Judge Elmo Alameda ang kampo ni Trillanes at pro­secution na magbigay ng komento at dagdag na documentary evidence na magpapatunay na balido ang amnesty na ipinagkaloob sa senador noong 2011.
Geremy Pintolo
Makati RTC Branch 150 ‘di rin nag-isyu ng arrest order vs Trillanes
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi rin naglabas kahapon ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa halip, binigyan ng limang araw ni Branch 150 Judge Elmo Alameda ang kampo ni Trillanes at pro­secution na magbigay ng komento at dagdag na documentary evidence na magpapatunay na balido ang amnesty na ipinagkaloob sa senador noong 2011.

Ang Branch 150 ang dumidinig ng rebellion case ni Trillanes kaugnay ng Manila Peninsula Hotel siege noong Nob. 29, 2007 laban sa gobyerno ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Una rito, hindi rin nag-isyu ng arrest warrant ang Makati RTC Branch 148 laban kay Trillanes para naman sa kaso nitong kudeta matapos itong masangkot sa Okwood mutiny noong 2003.

Binigyan nito ng 5 araw ang DOJ para tumugon sa ihahaing supplemental comments ni Trillanes at 10 araw naman sa kampo ng senador para magsumite ng rejoinder at supplemental comments sa naunang komento ng DOJ.

Para sa senador, maituturing nila itong initial victory, ngunit higit nilang inaasam ngayon na tuluyang mabasura ang mga hiling na muling buhayin ang kaso na una nang naibasura.

ANTONIO TRILLANES IV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with