Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte ang nanguna sa command conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang tiyakin ang ka­handaan ng gobyerno sa super typhoon Ompong.
KJ Rosales
Gobyerno handa kay Ompong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

Yolanda ‘di na mauulit

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na hindi na mangyayari ang naging kapalpakan noong panahon ng super typhoon Yolanda ngayong nahaharap ang bansa sa panibagong bagyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte ang nanguna sa command conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang tiyakin ang ka­handaan ng gobyerno sa super typhoon Ompong.

“Naka-red alert na po ang NDRRMC at naka-activate na rin ang kanilang Response Cluster. Ang reporting systems naman po ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay naka-activate na upang masubaybayan ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan partikular na ang kanilang pre-emptive evacuation,” ayon kay Roque.

Samantala ang food packs at relief assistance na umaabot ng P1.7 billion ay naihanda na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi sa mga maaaring maapektuhan ng kalamidad. 

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, hindi sila makapapayag na mangyari uli ang maling pagtugon ng gobyerno sa mga naging biktima ng kalamidad nuong nanalasa ang Yolanda noong Nobyembre 2013.

Mula sa stand-by funds para sa mga pagkain at non-food items hanggang sa agarang deployment ng pulis at militar ay nakapuwesto na ang mga kinauukulan para umasiste sa mga maaapektuhan ng kalamidad.

Idinagdag pa ni Go na kanya ring kakausapin ang NFA at si Agriculture Secretary Manny Piñol upang masigurong may maisu-supply na NFA rice sa mga lugar na tatamaan ni Ompong.

Aniya, naririto ang gobyerno at handang umayuda anumang oras sa gitna na rin ng target na maabot ang zero casualty at maipahatid ang lahat ng kailangang tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo. 

Related video:

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL SUPER TYPHOON YOLANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with