Itinabi na ng mga mangingisda sa ligtas na lugar ang kanilang mga bangka matapos pagbawalang pumalaot bunsod ng inaasahang pag-landfall ni Ompong sa lalawigan ng Cagayan.
Walter Bollozos
800K katao target ng preemptive evacuation sa N. Luzon
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 800,000 katao ang target ilikas sa mga lugar na hahagupitin ng super typhoon Ompong sa Northern Luzon na pinangangambahang mag-landfall sa Cagayan sa darating na Sabado.

Kahapon ay personal na nagtungo si Pangulong Duterte sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay ng pre-disaster conference meeting ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan  na pina­ngunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad at iba pang mga opisyal.

Nabatid na nagsimula na ang preemptive evacuation sa Northern Luzon  partikular na sa Region 1, II na siyang tatamaan ng bagyo.

Sinabi ni Jalad na tinatayang nasa 4 mil­yon na mahihirap na pamilya na naninirahan sa landslide at flashflood areas ang  maaapektuhan ng super typhoon.

Ang nasabing mga indibidwal ay mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Nagbigay naman ng instruksyon si Pangulong Duterte sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na bumili ng apparatus para kung kailangan ang mga importanteng opisyal ng gobyerno ay kaagad ang mga itong makokontak lalo na sa panahon ng kalamidad.

Iniutos rin ng Pangulo ang pagkakaisa at pagpapabilis ng humanitarian disaster response operations sa mga residente na maapektuhan ng bagyo.

Ang Super typhoon Ompong ay inaasahang magdudulot ng malalakas na hangin at pag-ulan kung saan pinangangambahan rin ang 6 metrong diyametro ng daluyong o storm surge.

Related video:

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL SUPER TYPHOON OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with