^

Bansa

Digong tiwala pa rin kay Piñol

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong tiwala pa rin kay Piñol
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hangga’t hindi sinisibak ni Pangulong Duterte si Sec. Piñol ay nananatili pa rin ang buong tiwala rito ng Chief Executive.
H/O DA-IX

MANILA, Philippines — May tiwala pa rin si Pangulong Duterte kay Agriculture Sec. Manny Piñol sa kabila ng panawagan ng ilang kongresista na magbitiw na ito sa puwesto sa gitna ng problema sa bigas sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hangga’t hindi sinisibak ni Pangulong Duterte si Sec. Piñol ay nananatili pa rin ang buong tiwala rito ng Chief Executive.

Ayon kay Roque, malalaman lang na wala na ang kumpiyansa ng Presidente kay Piñol sa sandaling magpasiya ito na alisin na ang Department of Agriculture chief sa kanyang puwesto.

Aniya, habang naka-upo at walang kautusan ang Pangulo na bakantihin na ni Piñol ang puwesto ay maaaring ipa­lagay na hindi nawawala ang trust and confidence ng Presidente sa Kalihim.

Bukod kay Piñol, pinagbibitiw din ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza si NFA Administrator Jason Aquino sa harap ng aniya’y krisis sa bigas na nararanasan ngayon sa bansa.

vuukle comment

MANNY PIñOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with