^

Bansa

Si Joma Sison ang na-comatose - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Si Joma Sison ang  na-comatose - Digong

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Pangulong Duterte na buhay na buhay siya taliwas sa akusasyon ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na siya ay nasa ‘comatose’.

Ayon sa Pangulo, si Joma ang na-comatose at hindi siya dahil mabubuhay pa raw ito ng 1,000 taon.

Nagpakita sa Facebook live video kamakalawa ng gabi si Pangulong Duterte na kinunan mismo ni Special Assistant to the President Bong Go upang pabulaanan ang akusasyon ni Sison na nasa comatose stage ang chief executive.

Nagbiro pa si Duterte kay Joma na kahit wala na umanong silbi sa mundo ang CPP founder sana ay bigyan pa ito ng mahabang buhay.

Idinagdag pa ng Pangulo, imposibleng nasa comatose ito lalo’t gising na gising siya at malakas na malakas pa.

Idinagdag pa ni Duterte, si Joma ang totoong may sakit at nagrereklamo na umano ang Netherlands dahil labas-pasok ito sa hospital at hindi nagbabayad at inaabuso ang hospitality ng nasabing bansa.

Aniya, kung nais ni Joma na umuwi ng Pilipinas dahil sa sakit nito ay sa Bilibid ito didiretso at ibibigay lamang ang kanyang mga pangangailangan.

Nagsagawa ng live video si SAP Go habang naghahapunan ang Pangulo kasama ang isang babae na taga-Harvard na kanya umanong inimbitahan.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with