^

Bansa

Carpooling makakabawas sa trapik - LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Carpooling makakabawas  sa trapik - LCSP
Reaksiyon ito ni Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, sa suhestyon ni LTFRB Chairman Martin Delga sa isang House inquiry na nagsabing suportado ng ahensya ang carpooling.

MANILA, Philippines — Pabor ang Lawyers for Commuters and Safety Protec­tion (LCSP) sa carpooling para makatulong na maibsan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Reaksiyon ito ni Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, sa suhestyon ni LTFRB Chairman Martin Delga sa isang House inquiry na nagsabing suportado ng ahensya ang carpooling.

“Maganda ang carpooling kung may sapat na polisiya at ito ay para lamang  sa mga walang sasakyan. Halimbawa 10 kayong mga empleyado ng QC hall at iisa lamang ang lugar niyo maaari kayong magsabay-sabay sa pagpasok. Pero kung kunwari sa isang lugar kayo at mayroon naman silang kanya-kanyang sasakyan, may car owner na hindi pumayag sa carpooling dahil baka sabihin ng may-ari ng sasakyan, bakit sila makikisakay sa ibang sasakyan kung may sasakyan ka naman,” pahayag ni Inton.

Sinabi rin nito na hindi dapat ikonsidera ang share na pamasahe sa carpooling dahil ang pagbibigay ng kusang loob ng share sa gastos ng may-ari ng sasakyan ay hindi masasabing bayad hindi tulad anya ng itinatakdang pamasahe sa mga pasahero.

Hinikayat ni Inton na mas dapat hulihin ang mga colorum at out of line vehicles na naniningil ng pamasahe at hindi ang nagka-car pooling.

Sa kanya ring palagay ay may malaking tulong ang carpooling sa pag-aalis ng colorum vehicles. 

vuukle comment

COMMUTERS AND SAFETY PROTEC­TION

MARTIN DELGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with