^

Bansa

NAIA balik sa normal na operasyon

Mer Layson, Rudy Santos - Pilipino Star Ngayon
NAIA balik sa normal na operasyon
Libu-libong pasahero ang nagdagsaan sa terminal check-in ng NAIA para mauna silang makakuha ng boarding pass palabas ng Maynila dahil naistranded sila mula noong Biyernes.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nakabalik na ngayon sa normal na operasyon ang Ninoy Aquino International Airport dahil nalinis na ang runway mula sa mga foreign debris ng nasadsad na eroplano ng Xiamen at heavy equipment na ginamit sa pagbuhat sa eroplano mula sa lugar.

Libu-libong pasahero ang nagdagsaan sa terminal check-in ng NAIA para mauna silang makakuha ng boarding pass palabas ng Maynila dahil naistranded sila mula noong Biyernes.

Dinoble ng mga airline ang kanilang mga tauhan para tulungan ang mga pasaherong nakapila sa mga counter kahapon. May ilang pumirmi sa VIP lounge ng apektadong airlines habang ang iba ay nagpa-booked sa malapit na mga hotel.

Bandang alas-2:50 na ng madaling-araw ng Sabado nang tuluyang maialis sa madamong bahagi ng NAIA runway ang Xiamen Airlines na naglululan ng 157 pasahero nang sumadsad ito dito noong Huwebes ng hapon.

Humingi ng paumanhin si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal sa mga pasahero dahil sa abalang ginawa sa pagkakasara ng runway na dahilan para makansela ang mahigit 150 international at domestic flight. Mahigit 17 international flight ang inilihis sa Clark at Cebu International Airport noong Biyernes.

Nag-sorry naman kahapon si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa abalang naidulot nang pagsadsad ng isang eroplano ng Xiamen Air sa international runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tugade, ikina­lulungkot niya ang insidente at sinabing walang may kagustuhan sa pangyayari.

Ayon kay Tugade, gi­na­­wa naman nila ang lahat ng makakaya upang kaagad na matugunan ang sitwasyon.

Dakong alas-11:28 ng tanghali kahapon nang muli nang nabuksan ang international runway ng NAIA, may 36-na oras matapos ang pagsadsad doon ng Xiamen plane, na nagresulta sa pagkaabala ng maraming flights at pagka-istranded ng mga pasahero.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with