^

Bansa

Malinis na eleksiyon tiniyak ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malinis na eleksiyon tiniyak ni Duterte
Ayon pa sa Pangulo, hi­hilingin niya sa Commission on Elections na personal siyang i-deputize upang matiyak na mabibilang nang tama ang mga boto.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magi­ging malinis ang eleksiyon sa susunod na taon.

Ayon pa sa Pangulo, hi­hilingin niya sa Commission on Elections na personal siyang i-deputize upang matiyak na mabibilang nang tama ang mga boto.

Ipatutupad din umano ng Pangulo sa mga susunod na buwan ang Alunan doctrine kung saan hindi maaring magdala ng mga mahahabang armas sa araw ng eleksyon.

Binalaan din n Pangulo ang New People’s Army (NPA) na huwag makialam sa halaan at huwag manghingi ng revolutionary tax sa mga kandidato.

Hindi aniya dapat takutin ng mga NPA ang mga kakandidato at hindi dapat makialam ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na huwag dring makialam iyong hindi naman dini-deputize ng Comelec.

Samantala, ipinahi­wa­tig ng Pangulo sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi na wala itong balak magbitiw sa puwesto at nais pa niyang makatrabaho ang mga senatoriables ng Hugpong ng Pagbabago na binuo ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon sa Pangulo, na­natili pa rin ang pagnanais ng kanyang administrasyon na panatilihin at ipagtanggol ang pinapahalagahang “democratic values” kasama na ang “party dynamics” ng political environment.

Matatandaan na inihayag ng Pangulo na nais na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa matinding pagkadismaya.

Dinomina ng mga incumbent officials ang se­na­torial candidates ng Pa­ngulo na kinabibilangan nina Senators Sonny Angara, Cynthia Villar, at JV Ejercito. Kasama rin sina Maguindanao 2nd District Congressman Dong Ma­ngudadatu na nag-iisang Muslim candidate sa ilalim ng partido, Taguig Congressman Pia Cayetano, Ilocos Governor Imee Marcos, Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, dating Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa at Presidential Spokesman Harry Roque.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with