^

Bansa

SSS magpapautang

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SSS magpapautang
Ito ay inanunsyo ng SSS makaraang buksan ang loan assistance program para may magamit na pondo sa pagpapaayos ng kanilang mga tahanan at punan ang gastusin makaraang salantain ng naturang mga kalamidad.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Maaari nang makapangutang ang mga miyembro at pensioners ng  Social Security System (SSS)  na naapek­tuhan ng mga pagbaha dulot ng Habagat na pinalakas pa ng bagyong Henry, Inday, at Josie noong nagdaang buwan ng Hulyo ngayong taon.

Ito ay inanunsyo ng SSS makaraang buksan ang loan assistance program para may magamit na pondo sa pagpapaayos ng kanilang mga tahanan at punan ang gastusin makaraang salantain ng naturang mga kalamidad.

May mahigit  P863 milyon  ang nailaan ng SSS para  sa programang ito.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na mahigit 61,000 miyembro at pensyonado ng SSS ang naapektuhan ng matinding pagbaha kaya naman kinakailangan na maghandog ng loan assistance program bilang tulong sa mga nasalanta.

Maaaring mag-avail ng Calamity Loan Assistance Program ang mga aktibong miembro ng SSS na nakatira sa mga apektadong lugar ng kalamidad na idineklara sa ilalim ng state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Gayundin, ang mga pensyonado sa nasabing lugar ay maaaring mag-advance ng tatlong buwang pensyon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta ang mga miyembro at pensioners sa pinakamalapit na sangay ng SSS, tumawag sa SSS Call Center hotline sa 920-6446 hanggang 55, o magpadala ng email sa [email protected]. Maaaring i-download ang application forms sa SSS website sa www.sss.gov.ph.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with