PNP ‘di susuporta sa military junta
MANILA, Philippines — Hindi umano susuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang isang military junta kahit pa man ito ang inindorso ni Pangulong Rodrigo na opsyon sa mga mamamayan na ayaw na siyang manatili sa puwesto.
Ito ang inihayag ni PNP spokesman S/Supt. Benigno “Bong” Durana makaraang linawin na susundin lamang ng kapulisan ang batas at ang lehitimong proseso na nasa ilalim ng Konstitusyon.
“As far as the Philippine National Police is concerned, I think that’s also made clear by Armed Forces of the Philippines (AFP)- we will follow what’s written in the Constitution,” ani Durana sa press briefing kahapon sa Palasyo.
Iginiit pa ni Durana na mananatili ang hanay ng PNP sa pagsunod sa constitutional succession na naaayon sa 1987 Constitution kung sakaling bumaba sa puwesto si Duterte.
- Latest