^

Bansa

P5-M reward sa ‘ninja cops’ na patay na ihaharap kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
P5-M reward sa �ninja cops�  na patay na ihaharap kay Digong
“I will raise the amount to P5 million per ninja cop. If you bring him to me dead, P5 million, pag buhay, bigyan kita ng P10k,” wika pa ni Pangulo.

MANILA, Philippines — Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P5 milyon ang reward sa bawat ‘ninja cop’ na patay na ihaharap sa kanya. Ito ang mensahe kagabi ni Pangulong Duterte matapos manumpa bilang miyembro ng Hugpong ng Pagbabago” regional party na itinayo ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

“I will raise the amount to P5 million per ninja cop. If you bring him to me dead, P5 million, pag buhay, bigyan kita ng P10k,” wika pa ni Pangulo.

Ang tinutukoy ng Pangulo na ninja cop ay ang mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukum­piskang  shabu sa kanilang anti-drug operations. Ayon sa Pangulo, binibigyan niya ng 48 oras ang ninja cops upang sumuko kundi ay hahabulin sila ng kapwa nila pulis, aarestuhin buhay man o patay.

Magugunita na kamakailan ay nasabi ng Pangulo na pinag-isipan niyang magbitiw dahil pagod na siya sa paghabol sa mga korap sa gobyerno at kanyang kampanya laban sa droga na tila hindi maubos sa kabila ng kanyang kampanya.

Pero nilinaw din ng Pangulo na magbibitiw lamang siya kung ang papalit sa kanya ay katulad ni Sen. Bongbong Marcos o Sen. Chiz Escudero at hindi si Vice President Leni Robredo. Samantala, kamakailan lamang ay nakipag-alyansa ang Hugpong ng Pagbabago sa ilang political party at inihayag ang susuportahang senatorial candidates sa 2019 elections.

Nakipag-alyansa ang Hugpong sa Nationalist People’s Coalition (NPC) and National Unity Party (NUP), and local groups Serbisyo sa Bayan Party (SBP) of Quezon City, Alyansa Bol-anon Alang sa Kausaban (ABAKA) of Bohol and Zamboanga del Norte’s Aggrupation of Party for Progress (APP).

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with