^

Bansa

Malacañang walang alam sa leave ng PDEA chief

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Malacañang walang alam sa leave ng PDEA chief
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, blangko ang Palasyo sa ginawang pagbabakasyon ni PDEA chief Aquino kasunod ng ginawang imbestigasyon ng Kongreso sa sinasabing P6.8 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Walang kinalaman ang Malacañang sa ginawang pagbabakasyon ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos ang pahayag nitong tinatayang P6.8 bilyong halaga ng shabu na nakatago sa inabandonang magnetic lifters ang kanilang natagpuan sa isang bodega sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite kamakailan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, blangko ang Palasyo sa ginawang pagbabakasyon ni PDEA chief Aquino kasunod ng ginawang imbestigasyon ng Kongreso sa sinasabing P6.8 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.

Hindi nakadalo ang PDEA chief sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara kamakailan hanggang sa lumabas ang ulat na nag-file ito ng kanyang leave.

Iginiit ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na dumaan sa normal na proseso ang sinasabing shipment na natagpuan sa Cavite at walang nakitang iligal na laman ang magnetic lifters ng dumaan ito sa X-ray machine.

Naunang pinanindigan ng PDEA sa pagdinig sa Kamara na ipinapalagay nilang inabandona na lamang ang mga magnetic lifters sa bodega matapos butasan ito at kunin ang ipinapalagay nilang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon.

Katulad umano ito ng nasabat na magnetic lifters na naglalaman naman ng P4.3 bilyon sa Manila International Container Port sa Manila nitong Hulyo.

Subalit nanindigan naman ang BOC na negatibo sa shabu residue ang nasabing abandoned magnetic lifters ng magsagawa sila ng swab test.

Nang magsagawa rin ng hiwalay na swab test ang PDEA kamakailan sa inabandonang magnetic lifters sa Cavite ay negatibo rin ang resulta nito mula sa shabu residue.

Magugunita na sinabi mismo ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe kamakailan na iwasan dapat ang espekulasyon lalo’t walang ebidensiya na kumalat sa merkado ang P6.8 bilyong shabu na ipinapalagay ng PDEA.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with