Salary hike ng teachers tiniyak
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Special Assistant to the President Bong Go na tutuparin ni Pangulong Duterte ang pangako nitong salary increase sa mga public school teachers.
Aminado si Sec. Go na kailangang hintayin ng mga guro ang completion ng 4-year Salary Standardization sa susunod na taon.
Sa kanyang pagdalo sa Araw ng mga Guro Convention sa Lucena City, ipapaalala niya kay Budget Sec. Benjamin Diokno na tutukan at tugunan ang usaping ito.
Kampante din si Go na kayang hanapan ng pondo ng Department of Budget and Management ang magiging salary increase ng mga guro pagkatapos ng salary standardization
Iginiit pa ni Go na tulad ng mga sundalo at pulis, mahalaga ring kilalanin ang mga pagpupunyagi ng mga guro na lumilinang sa kabataan sa mga eskuwelahan.
- Latest