^

Bansa

Senior citizens pinalilibre sa ‘driver-only’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senior citizens pinalilibre sa �driver-only�
Ayon kay Pimentel, makakatulong sa mga senior citizens kung magiging exempted sila sa kautusan dahil mas madali silang makakarating sa kanilang destinasyon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon si Sen Koko Pimentel sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-exempt na ang mga driver na senior citizens sa bagong traffic scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na iisa lamang o driver lamang ang sakay na dumaan sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hours.

Ayon kay Pimentel, makakatulong sa mga senior citizens kung magiging exempted sila sa kautusan dahil mas madali silang makakarating sa kanilang destinasyon.

Naniniwala si Pimentel na dapat lamang na bigyan ng konsiderasyon ang mga matatanda.

Nagsimula ang trial ng MMDA Regulation No. 18-005 noong Agosto 15 at tuluyang magiging epektibo sa Agosto 23 kung saan ika-classify ang buong EDSA mula Balin­tawak hanggang Magallanes bilang High Occupancy Vehicle (HOV) lanes.

Ang HOV ay ang lahat ng public at private na sasakyan maliban sa mga motorsiklo na may dalawang sakay kabilang ang driver.

Ang mga lalabag sa kautusan ng MMDA ay papatawan ng multang P1,000.

Ipinunto pa ni Pimentel na nasa 8.2% lamang ng populasyon ang senior citizens at kung pagbabatayan ang dami nila, malamang na mababang bilang lamang ng mga senior citizens ang magmamaneho sa EDSA.  

Nauna rito, isinulong ng mga lider ng Senado na suspendihin muna ng MMDA ang nasabing kautusan.

vuukle comment

KOKO PIMENTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with