Iginiit ito ni Sen. Manny Pacquiao sa gitna ng sinasabing P6.8 bilyong halaga ng shabu na diumano’y nailusot na naman sa Bureau of Customs (BOC).
Miguel De Guzman
Firing squad sa drug lords!
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat i-firing squad ang mga drug lord na nagpapasok ng droga kahit pa walang batas o death penalty sa bansa.

Iginiit ito ni Sen. Manny Pacquiao sa gitna ng sinasabing P6.8 bilyong halaga ng shabu na diumano’y nailusot na naman sa Bureau of Customs (BOC).

Gusto ni Pacquiao na mahuli ang nagpasok ng mala­king bulto ng shabu sa gitna ng kampanya ni Pangulong Du­terte laban sa iligal na droga.

“Kapag mga ganyan tapos di nila susundin ang batas. Wala silang takot sa batas, magpapakulong na lang ako para ko ma-firing squad yong drug lord na ‘yon na nagpasok sa Pilipinas (ng shabu),” sabi ni Pacquiao.

Bagaman at hindi pa tiyak na mga banyaga ang nagpasok ng P6.8 bilyong shabu, sinabi ni Pacquiao na gusto niyang masampolan ang mga foreigners na sangkot sa droga.

“Kung ako i -firing squad talaga kasi antigas talaga ng ulo. Ewan ko kung Pilipino ang gumagawa o foreigners gusto ko masampolan ang mga foreigners na gumagawa nagpapasok dito sa ating bansa. Para sa akin walang batas-batas para madisiplina,” sabi ni Pacquiao.

Sinabi ni Pacquiao na dapat ilagay ang nahuling droga sa tabi ng taong nagpasok nito sa bansa bago ito i-firing squad.

Isa si Pacquiao sa nagsusulong na ibalik na ang death penalty lalo na sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.

Naghain na rin ito ng re­solusyon para imbestigahan ang sinasabing P6.8-B halaga ng shabu kahit pa pinabulaanan na ito ng BOC. 

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with