Ayon kay Bello, mismong si Pangulong Duterte na ang kumonsulta sa mga economic advisers kaya ginagawa rin ng DOLE ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng mga manggagawa.
Geremy Pintolo
DOLE ok sa 14-month pay
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas si Labor Secretary Silvestre Bello III sa panukalang magkaroon ng 14th month pay para sa mga pribadong sektor kaya’t makikipagpulong siya sa mga kinauukulan upang malaman ang epekto nito sa mga manggagawa at employer.

Ayon kay Bello, mismong si Pangulong Duterte na ang kumonsulta sa mga economic advisers kaya ginagawa rin ng DOLE ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Ang Senate Bill No. 2, o mas kilala bilang “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” ay inihain ni Senate President Tito Sotto at nakabinbin sa Senado mula pa Hulyo 2016. Sa ilalim ng nasabing bill, ang rank-and-file employees anuman ang estado at puwesto ay maaaring bigyan ng 14th month. Kinakailangan lamang na nakapagtrabaho siya ng 1 buwan sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Bello na kailangan nilang pag-aralang mabuti ang panukala dahil kailangan na ang maging desisyon ay papabor sa magkabilang panig. Aminado si Bello na malaking tulong sa pamilya ng nasa private sektor ang 14th month pay lalo pa’t sumasabay ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with