Nasakote ng BOC ang nasa 50,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P175 milyon noong nakaraang Lunes, bukod pa sa 10,000 sako na nakuha naman sa isang warehouse sa Laguna noong Hulyo.
Edd Gumban
P200-M smuggled rice ibigay sa mga biktima ng habagat
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni Sen. Nancy Binay ang Bureau of Customs (BOC) na ibigay na lamang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa P200 milyong halaga ng smuggled rice na nasakote ng ahensiya upang mapakinabangan ng mga biktima ng habagat.

Nasakote ng BOC ang nasa 50,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P175 milyon noong nakaraang Lunes, bukod pa sa 10,000 sako na nakuha naman sa isang warehouse sa Laguna noong Hulyo.

Sinabi ni Binay na sa halip na mabulok lamang ang mga na­sa­­bing bigas o kaya ay ipagbili ito, dapat ay ikonsidera ang ka­pakanan ng libu-libong mamamayan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at ng habagat.

Bukod aniya sa makakatulong ang BOC sa relief efforts ng DSWD, maiiwasan pa ang pagkabulok ng mga saku-sakong bigas.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with