Kinumpirma ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na may kasunduan nang nabuo nang makausap nila si Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi.
MIchael Varcas
Palasyo, Kamara nagkasundo na sa 2019 budget
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natapos na ang banggaan ng Malacañang at Kamara sa isyu ng 2019 National Budget.

Kinumpirma ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na may kasunduan nang nabuo nang makausap nila si Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi.

Paliwanag ni Andaya, “hybrid” ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Nangangahulugan lamang ito na ang budgeting system dito ay magkahalong cash-based at obligation-based, depende sa nature ng proyekto ng mga ahensya at kagawaran ng pamahalaan.

Aminado silang maganda ang cash-based budgeting su­balit hindi muna ito maaaring ipatupad sa susunod na taon dahil election year at may ban sa implementasyon ng proyekto.

Ang malalaking kaltas umano sa pondo ng mga ahensiya sa ilalim ng 2019 Budget ay ibabalik at maaaring dagdagan subalit hindi kailangang itaas ang halaga ng 2009 Budget.

Nilinaw pa ni Andaya na magre-realign na lamang sila ng mga alokasyon sa ilalim ng budget para mailagay ang sapat na pondo sa mga ahensiya.

Maghahain din umano ng supplemental budget ang Ma­lakanyang sa Kamara para pondohan ang mga mahahalagang expenditure na wala sa 2019 budget tulad ng Bangsamoro Organic Law at dagdag na Internal Revenue Allotment (IRA) sa LGUs.

2019 NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with