^

Bansa

Topacio pinapa-disbar ng ‘Makabayan 4’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Topacio pinapa-disbar ng �Makabayan 4�
Ayon kay Atty. Rachel Pastores, bukod sa disbarment, pinag-aaralan din nilang kasuhan ng sibil si Topacio dahil labag ito sa kanyang tungkulin bilang isang abogado.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinadi-disbar ng abogado ng mga dating mambabatas na miyembro ng Makabayan bloc si Atty. Ferdinand Topacio dahil sa paglalagay nito ng P1 milyon reward sa pag-aresto sa mga ito.

Ayon kay Atty. Rachel Pastores, bukod sa disbarment, pinag-aaralan din nilang kasuhan ng sibil si Topacio dahil labag ito sa kanyang tungkulin bilang isang abogado.

“As a lawyer, siya po ay responsible sa whatever statement na sasabihin niya. At ‘yon pong pagre-raise niya ng bounty, ay talagang nakakapahamak sa buhay at seguridad ng aming mga client,” ani Pastores.

Sabi ni Pastores, meron silang Code of Professional Conduct na sa tingin niya ay nilabag ni Topacio.

Kukuwestiyunin din nila ang motibo at intensiyon ni Topacio dahil wala naman itong kinalaman sa kaso at lalong hindi siya ang legal counsel ng complainants.

“Kaya maghanda na siya,” dagdag pa ni  Pastores.

Aniya, bigla na lamang sumulpot si Topacio. Walang karapatan si Topacio na magdeklara ng bounty sa kanyang mga kliyente.

Sa katunayan, si Topacio ang dapat na imbestigahan at hindi ang judge na nagbasura ng warrant of arrest laban kina Liza Maza, Satur Ocampo, Teddy Casiño at Rafael Mariano.

Matatandaang sinabi ni Topacio at ni Diego Magpantay na itinaas na sa P1M ang pabuya sa pag-aresto sa Makabayan bloc.

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with