Malacañang duda kung kakampi ba ang Kamara
MANILA, Philippines — Nagpahiwatig ng pagdududa ang Malacañang kung kakampi pa ba nito ang liderato ng Kamara matapos ipasuspinde ang deliberation ng budget na hindi naman nangyari sa nakaraang Kongreso.
“With the rejection of the budget, we don’t know what ties we have with the House now. When you reject the budget outright, it’s not something you expect from an administration party,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
“We don’t want a reenacted budget but we are not daunted by the possibility. We prefer that a budget is passed. We see no reason why Congress should stop the deliberations on the budget. 2019 budget is the President’s budget, if Congress rejects it, it’s rejecting the President’s budget,” paliwanag pa ni Roque.
Sabi pa ni Roque, handa ang Malacañang na magpatupad ng reenacted budget sa 2019 kung hindi maipapasa ng Kongreso ang isinumiteng budget ni Pangulong Duterte subalit hindi ito maganda para sa mga kongresista dahil ang Malacañang na ang maglalaan ng budget para sa mga proyekto na paggagamitan.
Samantala, siniguro naman ni Budget Sec. Benjamin Diokno na kahit magkaroon ng reenacted budget ang gobyerno sa 2019 ay walang mangyayaring katiwalian.
Ayon kay Diokno, kahit hindi makapasa ang kanilang proposed 2019 budget at magkakaroon ng re-enacted budget ay nasa mabuting kamay pa rin ang pondo ng taongbayan.
- Latest