PMA official sinibak ni Digong
MANILA, Philippines — Sinibak kagabi ni Pangulong Duterte ang isang mataas na opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa corruption.
Nilagdaan mismo ng Pangulo ang dismissal order ni PMA Comptroller Maj. Hector Maraña dahil sa malversation ng P15M ng PMA cadets’ fund.
“I want this dismissed PMA comptroller be sent to hell,” sabi ng Pangulo sa paglulunsad ng Pilipinas Angat sa Lahat program sa Malacañang, kagabi.
Kamakalawa lamang ay 20 military officials sa AFP Medical Center kabilang sina Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega at Col. Antonio Punzalan ang sinibak dahil sa nadiskubreng ghost delivery na P1.4 milyon at iba pang katiwalian.
Iniutos din ng Pangulo na isailalim sa court martial ang nasabing mga military officials.
Kagabi rin ay sinabi ni Pangulong Duterte na pinag-iisipan na niyang magbitiw sa puwesto dahil pagod na pagod na siya sa paghabol sa mga corrupt at kampanya laban sa illegal drugs.
Una niyang sinabi ito sa command conference ng AFP-PNP sa Malacañang na pinag-iisipan na niyang bumaba sa puwesto kung may makikitang tamang lider ang mga ito.
“I’m tired and I don’t think I can fulfill the promise of ending these problems,” giit pa ng Pangulo.
Aniya, hindi niya gustong si Vice Pres. Leni Robredo ang papalit sa kanya kahit ito ang nakasaad sa Konstitusyon.
“I have nothing against VP Robredo. But I do not think she will improve anything here,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
- Latest