^

Bansa

22 military officer sinibak

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
22 military officer sinibak
Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing kabilang sa mga tinanggal na military officer sina Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega at Col. Antonio Punzalan dahil sa nadiskubreng ghost delivery na P1.4 milyon at iba pang katiwalian.

MANILA, Philippines — Iniutos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto ang may 22 opisyal ng Armed Forces Medical Center dahil sa nadiskubreng anomalya rito.

Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing kabilang sa mga tinanggal na military officer sina Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega at Col. Antonio Punzalan dahil sa nadiskubreng ghost delivery na P1.4 milyon at iba pang katiwalian.

Sinabi ni Roque na iniutos din ni Pangulong Duterte na isailalim din sa court martial ang nasabing mga military officials.

Samantala, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na isasalang sa court martial si Torrelavega na hepe ng AFP Health Services Command at 21 pang opisyal ng military kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanomal­yang pagbili ng mahigit P1.4 milyong halaga ng mga kagamitan at medisina para sa V. Luna Hospital.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. na nasa restricted to custody’ na ang nasabing mga opis­yal matapos na ianunsyo ng palasyo ng Malacañang ang pagsibak sa mga ito.

Ang nasabing mga opis­yal at tauhan ng V Luna Hospital ay lilitisin sa kasong paglabag sa Articles of War (AW) 95 (fraud against the government ).

Si Torrelavega ay nasibak naman sa isyu ng command responsibility matapos na mangyari ang korapsyon sa ilalim ng kaniyang tanggapan.

Binuo na rin  ang mga opisyal na hahawak sa General Court Martial na pasisimulan sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

DUTERTE

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with