^

Bansa

9 partido nakipag-alyansa sa Hugpong ni Mayor Sara

Lordeth B. Bonilla, Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon
9 partido nakipag-alyansa sa Hugpong ni Mayor Sara
Nasa larawan sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, Senador Cynthia Villar, Sen. JV Ejercito at iba pang mga lider-pulitikal na nakipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara.

MANILA, Philippines — Tatlong pambansang partido pulitikal at anim pang ibang lokal na grupo ang nakipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago regional political party ni presidential daughrer at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isang pormal na seremonya kahapon sa Blue Leaf Filipinas sa Paranaque City.

Ang pagpirma ng al­yansa ay isang pakikipagkasunduan kay Duterte- Carpio na tagapangulo ng HNP at sinaksihan ng ibang mga opisyal nito.

Kabilang sa mga political leader na lumagda si Senador Cynthia Villar ng Nacionalista Party. Ang iba pa ay ang Nationalist People’s Coalition at National Unity Party para sa mga pambansang partido.

Kasama naman sa mga lokal na grupo na nakipag-alyansa sa HNP ang Serbisyo sa Bayan Party na kinakatawan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Alyansa Bol-anon alang sa Kausaban ng Bohol, Aggrupation Party for Progress ng first district ng Zamboanga del Norte, Kambilan of Pampanga, Ilocano Timpuyog at Padayon Pilipino ng Misamis Oriental at iba pa. 

Samantala, sa natu­rang okasyon din, kinumpirma ni  Duterte-Carpio na hindi siya tatakbong senador sa 2019 Election.

Sumama din ang mga local political parties mula sa Bohol, Ilocos Norte, Misamis Oriental, Pampanga, Zamboanga at Quezon City.

Ang siyam na partido ay nagsanib pwersa bilang paghahanda sa 2019 Election at bawat political leaders ay nagpapasa­lamat kay Carpio sa pag­tanggap sa kanyang partidong HNP.

Nabatid, na bawat alyansa ay hiningan ni Mayor Sara ng donasyon para sa mga biktima ng kalamidad.

Nagbigay si Belmon­te ng P500,000 at si Pam­panga Governor Lilia Pineda at nakalikom si Mayor Sara ng P1 milyong mula sa dalawang partido.

Sinabi ni Anthony Del Rosario Secretary General ng HNP  na ang Hugpong ng Pagbabago  aniya ay isang regional political group ngunit maraming mga major parties ang sumali dito.

Tiniyak naman ni Del Rosario na mananatiling alkalde pa rin ng Davao City si Inday Sara, dahil gusto pa raw nitong maglingkod sa nasabing siyudad.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with