^

Bansa

Sangkot sa katiwalian tanggal kay Duterte

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Sangkot sa katiwalian  tanggal kay Duterte

‘Kahit BFF’- Bong Go

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na hindi mangingimi si Pangulong Duterte na sibakin sa puwesto ang mga tao na malapit o nakatulong sa kanya noong nakaraang eleksyon kung dawit sa korapsyon o gumawa ng katiwalian.

Ayon kay Go, higit na mahalaga kay Pangulong Duterte ang interes ng sambayanang Pilipino kaysa pagkakaibigan lalo’t pangunahing isinusulong ng administrasyon ang paglaban sa katiwalian at pagsisigurong naipagkakaloob nang mahusay ang mga serbisyo sa taumbayan.

Kaugnay nito, nanindigan si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na, alinsunod sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanilang ahensiya sa ilalim ng Executive Order 43 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, maaari nilang imbestigahan ang sinumang miyembro ng Gabinete kabilang na si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Kinumpirma ni Luna na magkakahiwalay ang  reklamong extortion at bribery na idinulog sa PACC nina Monalie Dizon, secretary-general ng Samahang Pagbabago National Movement for Change; Azizza Salim, may-ari ng recruitment agency na Azizza International at Amanda Lalic-Araneta, na presidente naman ng MMML Recruitment Services, Inc. laban kay  Bello.

Kapwa inireklamo nina Dizon at Salim si Bello na umano’y may kasabwat pang ibang DOLE officials ng pangingikil umano ng halagang aabot sa P6.8 million para maareglo ang recruitment license ng Azizza International habang si Araneta naman ay ibinunyag ang pagbibigay niya raw ng latest IPhone model at P100,000 cash kay Bello bilang Christmas gift noong 2016.

Bukod dito, sinabi rin ni Araneta na hinihingian pa umano siya ni Bello ng P10 million hanggang P15 million para maaprubahan na ang lisensiya ng MMML Recruitment Services Inc. o bawiin ang pagkakansela dito dahil sa sinasabing mga paglabag sa regulasyon patungkol sa hiring at deployment ng OFWs.

Naunang sinabi ni Bello na walang kapangyarihan ang PACC na imbestigahan siya at hinamon ang mga nag-aakusa sa kanya na sa Department of Justice o kaya’y sa Office of the Ombudsman lamang pupuwedeng magreklamo ang mga ito laban sa kanya.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with