Ito ang pahayag ni Sec. Cayetano sa Facebook page nito kaugnay sa planong joint exploration ng Pilipinas at China sa WPS.
Geremy Pintolo
Trillanes ‘di na ok mag-negotiate sa WPS
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na kung si Sen. Antonio Trillanes  IV ang magiging negosyador ulit sa planong “Joint Exploration and Development” sa West Philippine Sea ay talagang madedehado ang sambayanan. 

Ito ang pahayag ni Sec. Cayetano sa Facebook page nito kaugnay sa planong joint exploration ng Pilipinas at China sa WPS.

Ayon kay Cayetano, noong pinagkatiwalaan ni dating Pangulong Aquino si Sen. Trillanes bilang negosyador, nagresulta ito ng pagkawala ng kontrol ng Pilipinas sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.  

Sinabi ni Trillanes sa isang interbyu sa telebis­yon na patuloy na mangi­ngibabaw ang China sa pinaplanong “Joint Exploration at Development” project sa West Philippine Sea dahil umano walang kapasidad lalo na sa teknolohiya ang mga Pilipino na makilahok sa naturang proyekto.

Pero tiniyak ni Caye­tano sa taumbayan na hindi papayag si Pangulong Duterte sa anumang kasunduang hindi patas at hindi pabor sa samba­yanang Pilipino.

Aniya, malinaw ang utos ni Pangulong Duterte na protektahan at pa­ngalagaan ang bawat sulok ng teritoryo ng bansa at mapakinabangan ng bawat Pilipino ang ating “sovereign economic rights.”

“Habang patuloy ang  iyong pagsisinungaling, at pananabotahe sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon, patuloy naman kaming magsasabi ng katotohanan at magtatrabaho para magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino,” hirit ni Cayetano sa pahayag niya sa kanyang social media account patungkol kay Trillanes. 

Magugunitang sinabi mismo ni Pangulong Duterte na kahit magkaroon ng joint exploration ang bansa sa China ay hindi magbabago ang paninindigan nito na hindi isusuko ang anumang teritoryo ng bansa.

Sa nakatakdang joint exploration ay magiging 60-40 ang hatian sa pagitan ng Pilipinas at China.

Posibleng madagdagan ang nasabing joint exploration sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa sa hu­ling bahagi ng taong ito o sa November matapos dumalo ang Chinese leader sa APEC Summit na gaganapin sa Papua New Guinea.

ANTONIO TRILLANES IV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with