Sa kasalukuyang batas, ang mga senior citizens na umaabot sa 100 taong gulang ang bibigyan lamang ng P100,000.
Senior citizens na aabot ang edad sa 80, 90 at 100 may cash incentives
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni Senate President Tito Sotto ang panukalang amiyendahan ang Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 upang mabigyan na agad ng insentibo ang mga senior citizens na aabot sa 80 at 90 taong gulang.

Sa kasalukuyang batas, ang mga senior citizens na umaabot sa 100 taong gulang ang bibigyan lamang ng P100,000.

Ang panukala ay ipri­nisinta ni Atty. Romeo Macalintal, isang kilalang advocate ng mga senior citizens.

Sa isang text message kinumpirma ni Sotto na magda-draft ng isang panukalang batas ang kanyang tanggapan base sa mungkahi ni Macalintal.

“Yes (maghahain). Just drafting it muna,” sagot ni Sotto.

Nakasaad sa panukala na ang mga aabot ng 80 taong gulang ay dapat bigyan ng P30,000 at karagdagang P30,000 kapag sumapit ng 90 taong gulang. Ibibigay naman ang balanseng P40,000 kapag umabot ng 100 taong gulang.

Karagdagang P50,000 naman bawat taon ang ipagkakaloob sa mga centenarians na mabubuhay ng higit 100 taon.

Matatandaan na noong Hunyo 23, 2016 ni­lag­daan ni dating Pangu­long Beningo Aquino III ang RA 10868 o Centena­rians Act of 2016.

Sa kasalukuyang batas, ang mga Filipino kahit pa nasa labas ng bansa na umabot ng 100 taong gulang ay dapat makatanggap ng P100,000.

Makakatanggap din sila ng sulat mula sa Pangulo upang batiin sa kanilang ika-100 taon.

TITO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with