Ayon sa DFA, dapat samantalahin ng mga Pinoy ang oportunidad na matatapos sa darating na Agosto 30.
Voluntary repatriation sa Malaysia dapat samantalahin ng 400K Pinoys
(Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapila kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa 400,000 undocumented Pinoy sa Malaysia na mag-avail ng boluntar­yong repatriation na ina­alok ng gobyerno nito na matatapos ngayong buwan.

Ayon sa DFA, dapat samantalahin ng mga Pinoy ang oportunidad na matatapos sa darating na Agosto 30.

Ang apila ng DFA ay bunsod sa kasalukuyang crackdown ng gobyerno ng Malaysia kontra sa mga dayuhan na walang dokumento.

“We appeal to our undocumented kababayan in Malaysia to take this opportunity to be able to return to their loved ones in the Philippines without jail time or fines,” ani Philippine Ambassador to Kuala Lumpur Charles C. Jose.

Tiniyak naman ng embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpor na aayudahan nila ang mga Pinoy undocumented.

Sabi ni Jose, ang mga undocumented migrants ay pwedeng umalis ng Malaysia na hindi ikukulong at hindi papatawan ng parusa.

Kailangan aniyang magbayad ng multa na ang halaga ay nasa 300 Malaysian ringgit.

“From January 2016 to June 2018, the Philippine Embassy has assisted roughly 50,000 Filipinos under this program by way of issuance of travel documents and the payment of exit fees and one-way airfare to the Philippines,” ayon pa kay Jose. (Lordeth Bonilla)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with