Mula 2012, ang mga customer ng Meralco ay isa sa mga kakaunting tao sa mundo na nakakalasap ng pagbaba ng presyo ng kuryente habang ang mga nasa karatig-bansa ay nagsisipag-taasan ang presyo.
Singil ng Meralco, isa sa pinakamababa sa Asya
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuturing ang Pilipinas na isa sa may pi­nakamababang presyo ng kuryente sa Asya kung hindi isasama ang mga subsidiya mula sa merkado at ang paggamit ng nuclear power.

Mula 2012, ang mga customer ng Meralco ay isa sa mga kakaunting tao sa mundo na nakakalasap ng pagbaba ng presyo ng kuryente habang ang mga nasa karatig-bansa ay nagsisipag-taasan ang presyo.

Sa pagsusuri ng Inter­national Energy Consultants (IEC), isang kum­pan­ya ng mga dalubhasa sa merkado ng kur­yente sa Asya, kung ikukumpara sa datos noong 2012, bumaba ng 18% ang pres­yo ng kur­yente kada kilowatthour ng mga re­sidential customer ng Meralco kumpara sa kabuuang CPI na tumaas nang 19%.

Ang average na singil ng Meralco, kung hindi isasama ang VAT, kung US cents kada kilowatthour ang gagamitin, bumaba ito ng 4% mula Enero 2016 kumpara sa karaniwang porsyento ng pagtaas na nasa 12% sa 46 na bansa na kasama sa survey.

Sa kasalukuyan, ang singil ng Meralco ay nasa ika-24 sa 46 na bansa na isinama sa pag-aaral ng IEC. Ito rin ay mababa ng 4% sa average na singil ayon sa ginawang survey. Ang katumbas ng singil ng Meralco sa US cents kada kilowatthour ay bumaba ng 4% kumpara sa presyo ng produktong petrolyo mula 2012.

Ayon sa managing director ng IEC na si Dr. John Morris, mas mababa pa ito ng 8% kumpara sa karaniwang presyo ng kuryente sa buong mundo.

Sa paliwanag ni Morris, malaki ang kontribusyon ng subsidiya na nakukuha ng mga bansa upang mapababa ang presyo ng kuryente.

Ilang halimbawa ng mga bansang may subsidiya mula sa merkado ay ang Thailand, Indonesia, Malaysia, Korea, at Taiwan.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest