Ang pagbabayad ay bilang pagsunod sa June PET resolution na nagpaparusa kina Robredo at Marcos sa paglalabas sa publiko ng impormasyon tungkol sa election protest, naka-pending na kaso sa korte, bilang paglabag sa sub judice rule.
Boy Santos
Leni nagbayad ng P50K multa sa SC
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang linggo matapos na magbayad si dating Senador Bongbong Marcos, si Vice Pres. Leni Rob­redo naman ang nagbayad kahapon ng halagang P50,000 multa na ipinataw ng Supreme Court, na uupong Presidential Electoral Tribunal (PET), dahil sa paglabag sa gag order.

Ang pagbabayad ay bilang pagsunod sa June PET resolution na nagpaparusa kina Robredo at Marcos sa paglalabas sa publiko ng impormasyon tungkol sa election protest, naka-pending na kaso sa korte, bilang paglabag sa sub judice rule.

Binabawalan sa sub judice rule ang mga sangkot sa kaso na magsiwalat ng mga bagay na nakabinbin sa korte upang maiwasan ang prejudging sa kaso.

Sumunod man sa ipinataw na parusa, patuloy pa rin na ipinagtanggol ng kampo ni Robredo ang mga pahayag nito sa harap ng media, na layunin lang umanong kontrahin ang mga malisyoso at walang batayang pahayag na inilabas umano ni Marcos.

Sinabi ni Romulo Macalintal, abogado ni Rob­redo na nagbayad ng multa ang kampo ng bise presidente sa kabila umano ng katotohanan na hindi binanggit ng PET ang mga tiyak na pahayag na kanilang sinabi na labag sa sub judice rule at nagresulta sa parusa.

LENI ROB­REDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with