Ipinaliwanag ng Comelec sa Presidential Electoral Tribunal (PET), na sinet nito sa 25% threshold ang shading noong 2016 elections upang siguruhin na hindi masasayang ang mga boto dahil sa “inadequate shading,” habang pinipigilan ang pagtanggap ng mga vote counting machines (VCMs) sa “accidental or unintended small marks” na maaaring makita sa balota.
Edd Gumban
Leni vindicated kay Marcos
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2018 - 12:00am

25% threshold tinapos na ng Comelec

MANILA, Philippines — Tinapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu sa 25% shading thresholds na ginawang pamantayan sa manual recount matapos igiit na ito ang minimum shade na tinatanggap ng mga makina noong nakaraang eleksiyon.

Ipinaliwanag ng Comelec sa Presidential Electoral Tribunal (PET), na sinet nito sa 25% threshold ang shading noong 2016 elections upang siguruhin na hindi masasayang ang mga boto dahil sa “inadequate shading,” habang pinipigilan ang pagtanggap ng mga vote counting machines (VCMs) sa “accidental or unintended small marks” na maaaring makita sa balota.

Ayon pa sa Comelec, nag-set sila ng threshold percentage upang pabilisin ang proseso ng pagboto bilang aral sa karanasan noong 2010 elections, kung saan ibinabalik pa sa mga botante ang kanilang balota kapag ni-reject ito ng VCM dahil sa inadequate shading.

Para sa ahensya, da­pat lamang obserbahan ng PET ang 25% threshold dahil ito ang nagsilbing basehan ng pag-deklara ng lahat ng nanalo sa national at local elections noong 2016.

Iginiit din nito na gaya ng PET, mayroon din silang “constitutional power,” bilang tagapamuno ng halalan, upang magdesisyon tungkol sa lahat ng mga isyung pang-eleksyon.

Pinagsumite ng PET ang Comelec ng sarili nitong comment tungkol sa mosyon ng kampo ni Vice Pres. Leni Robredo para sa 25% threshold, matapos pumanig ang Office of the Solicitor General, ang dapat na abogado ng ahensya, sa paggamit ng lumang 50% threshold sa manual recount, para sa protestang inihain ni dating senador Bongbong Marcos.  

Matapos ilabas ang nasabing comment, nag-akusa si Marcos spokesman Vic Rodriguez ng “conspiracy” sa pagitan ng Comelec at ng kampo ng Bise Presidente.

Ayon sa kaniya, sinet ang 25% threshold matapos ang eleksyon upang paboran ang argumento ni Robredo.

Pinabulaanan naman ito ng kampo ng Bise Presidente, na nagsabing katawa-tawa ang patuloy na pagsisinungaling ni Rodriguez, sa pagtatangkang baliin ang katotohanang natalo si Marcos noong eleksyon.

Ayon kay Robredo, hindi totoo ang inaakusang “conspiracy” ni Rod­riguez, at sinabing February 2016 pa lamang ay naiulat na ang desisyon ng Comelec na ibaba ang threshold ng VCMs ilang buwan bago mag-eleksyon.

COMELEC SA PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with