^

Bansa

Arroyo at Alvarez nagkaharap na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Arroyo at Alvarez nagkaharap na
Matapos ang kudeta sa Kamara ay nagkaharap na rin kahapon sina bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at dating speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez. Kasama sa pulong ng dalawa si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, Jr., senior deputy majority leader.

MANILA, Philippines — Nagkausap na kahapon sina Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at House Speaker Gloria  Macapagal-Arroyo.

Nabatid na tumagal ng halos 20 minuto ang pagpupulong na dalawa na naka-pokus sa pagpapatuloy ng magandang relasyon nila.

Binalewala naman ni Arroyo kung tawagin lamang siyang “ma’am” ni Alvarez sa halip na Speaker.

Nabatid naman na hinihintay na lamang ni Arroyo na makaligpit ng kanyang gamit si Alvarez bago siya tuluyang lumipat sa opisina nito.

Inalok naman ni Arroyo kay Alvarez ang kanyang opisina na katabi lamang din ng Speaker’s office.

Pero wala umanong posisyon na inalok si Arroyo kay Alvarez sa House leadership.

Ayon naman kay Pampanga Rep. Dong Gonzales, nagbabalut-balot na ng gamit si Alvarez at naghahanda nang lisanin ang Speaker’s office anumang oras.

Samantala, tanggap na rin ng mga kongresistang kakampi ni Alvarez ang pagpapalit ng liderato sa Kamara.

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with