^

Bansa

SONA guguluhin ng NPA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
SONA guguluhin ng NPA
Simula alas-5 ngayong umaga ng Hulyo 23 ay nakataas na sa full alert status ang AFP at PNP.
Michael Varcas

AFP, PNP naka-full alert

MANILA, Philippines — Naka-full alert nga­yon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kasunod ng umano’y report na magsasagawa ng malawakang opensiba ang New People’s Army (NPA) kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte na nakatakda ngayong araw.

Simula alas-5 ngayong umaga ng Hulyo 23 ay nakataas na sa full alert status ang AFP at PNP.

Nabatid na nagbanta umano ang Leonardo Panaligan Command ng NPA na maghahasik ng kaguluhan sa SONA ng Pangulo.

Sinabi naman ni AFP spokesman Col. Edgard Arevalo, na maging mapagbantay at ma­ging alerto ang publiko sa nangyayari sa kanilang kapaligiran at kaagad ipagbigay alam sa pulisya at militar anumang kahina-hinalang aktibidad ng isang indibidwal o grupo.

Ayon pa kay Arevalo, mayroong 700 AFP personnel ang naka standby para kung kailangan ng PNP ay makakapagdeploy agad sila.

Sa kabila nito nilinaw pa rin nila na wala silang namo-monitor na banta sa SONA kahit na nanawagan sila na ma­ging mapagbantay ang publiko.

Samantala inalerto na rin ni  Senior Supt. Rodolfo Castil, provincial director ng Negros Occidental ang lahat ng kanyang police chiefs na maging handa at palakasin ang kanilang police stations para sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng NPA.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with