^

Bansa

Pro at anti Duterte rally babantayan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pro at anti Duterte rally babantayan
Ayon kay PNP spokesman, Sr./Supt. Benigno Durana Jr., na ang mga anti demonstrator ay magkikilos protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inilatag na ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na pagdarausan ng mga pro at anti Duterte rally nga­yong araw para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Ayon kay PNP spokesman, Sr./Supt. Benigno Durana Jr., na ang mga anti demonstrator ay magkikilos protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Habang ang mga tagasuporta naman ni Pa­ngulong Duterte ay magsasagawa ng kanilang pagkilos sa Batasan Road.

Paliwanag ni Durana, na ang nasabing hakbang ay produkto ng kanilang konsultasyon sa mga magpoprotesta, kapulisan at iba pang ahensiya ng gobyerno at hindi lamang para sa planong seguridad.

Inimbitahan din umano ng PNP ang Commission on Human Rights para mamonitor ang mga protesta at masiguro na pinaiiral ng mga awtoridad ang maximum tolerance laban sa mga demonstrador.

Ayon naman kay  House Secretary General Cesar Pareja, mahigpit na nakikipag-uganayan ang mga security officials ng Kamara sa pulis at militar para maiwasang magbanggaan ang pro at anti-Duterte ngayong araw.

Giit ni Pareja, kaila­ngang mapanatili ang seguridad para hindi ma­paghalo ang dalawang grupo dahil baka magpang-abot sila.

Tinatayang 6,000 mga pulis ang itatalaga sa Batasang Pambansa complex para magbantay sa ikatlong SONA ni Pa­ngulong Duterte ngayong araw.

Noong Biyernes ay sinimulan na ng Kamara ang 3-day locked down para masiguro ang maximum security sa Batasan Pambansa.

Samantala, hindi tulad noong nakaraang taon, hindi na lalabas pa si Pangulong Duterte matapos ang kanyang SONA para kausapin ang mga nagpoprotesta.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with