^

Bansa

‘Josie’ lumakas pa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Josie� lumakas pa
Umabot sa critical level na 17.5 ang Marikina River kahapon ng umaga, dahilan para patunugin ang 3rd alarm na naging hudyat naman sa mga residente malapit sa ilog na magsilikas na. Isinailalim na kahapon sa state of calamity ang lungsod.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Lalo pang pinalakas ng southwest monsoon o habagat ang bagyong Josie na magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa hanggang ngayong araw.

Dahil dito kaya idineklara na rin ang state of calamities sa ilang lugar, habang ang bagyo ay nasa 265 kilometers northeast ng Basco Batanes, na may lakas na hangin na 60 kilometers per hour at bugso na 75 kph.

Ayon sa PAGASA, magdadala naman ang habagat ng mga pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Ilocos at Cordillera regions at bahagi ng Cagayan Valley at Western Visayas.

Gayundin sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Mindoro at Northern Palawan kabilang na rito ang Calamian islands.

May mino-monitor namang panibagong low pressure ang PAGASA sa labas ng bansa at posibleng hindi na ito tumama sa ka­lupaan subalit posibleng maging bagyo.

Si Josie ang ika-apat na bagyo na tumama sa bansa ngayong buwan.

Inaasahang lalabas na ng bansa ngayong hapon si Josie.

vuukle comment

BAGYONG JOSIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with