^

Bansa

P1.16B para sa Dengvaxia victims ipasa na - Nograles

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1.16B para sa Dengvaxia  victims ipasa na - Nograles
Ang panawagan ay ginawa ni Nograles kasabay ng pagbubukas ng joint session ng Kongreso ngayong araw kung saan din ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nanawagan si House Committee on Appropriations Committee Chairman Rep. Karlo “Ang Probinsiyano” Nograles sa Senado na kaagad ipasa ang panukalang P1.16 bilyong supplemental budget para mabigyang tulong medikal ang mga biktima ng Dengvaxia vaccine.

Ang panawagan ay ginawa ni Nograles kasabay ng pagbubukas ng joint session ng Kongreso ngayong araw kung saan din ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Paliwanag ng kongresista, kritikal ang bawat araw na dumadaan sa mga pamilyang naturukan ang mga anak ng nakakamatay na bakuna at batid naman ito ng mga kapwa niya mambabatas.

Hayag na umano ang “pattern of death” sa mga nabakunahan nito kaya dapat na iprayoridad nila na nababantayan at napipigilan ang pagkamatay dahil sa pagturok ng Dengvaxia vaccine na gawa ng Sanofi Pasteur at ang pagsasabatas ng nasabing panukala ang pinakamabisang paraan para maisakatuparan ito.

Nauna nang ipinanukala ni Nograles ang HB 7449, para sa konbersyon ng 1.161 bilyong pisong inisyal na refund ng Sanofi Pasteur sa gobyerno ng Pilipinas bilang “standby medical fund” para sa mga naturukan ng nasabing bakuna. Si Nograles ang naunang nanawagan sa Sanofi Pasteur na isauli ang buong kabayarang ibinigay ng gobyerno sa naturang kumpanya.

Ang panukala ay naipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ng walang pagtutol bago ang sine die adjournment.

Abril 2016 ng magsagawa ng malawakang pagbabakuna ang nakaraang administrasyon na kaagad namang ipinatigil ni Pangulong Duterte matapos aminin ng Sanofi na maaaring palalain ng Dengvaxia ang sintomas sa mga nabakunahang bata na unang beses pa lamang nagkaka-dengue base na rin sa kanilang pag-aaral.

Pinayuhan naman ni Nograles si DOH Secretary Franciso Duque III na agad simulan ang pagdedetermina kung sinu-sino ang mga naging biktima ng Dengvaxia gamit ang pondo ng gobyerno habang naghihintay ng pagsasabatas ng supplemental budget.

vuukle comment

DENGVAXIA VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with