^

Bansa

Seguridad sa SONA kasado na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa SONA kasado na
Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, nasa full alert status na ang kapulisan para sa SONA ng Pangulo upang matiyak na magiging mapayapa at matiwasay ang okasyon.
Miguel De Guzman

AFP, PNP naka-full alert

MANILA, Philippines — Plantsado na ang ipa­tutupad na seguridad ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Batasan Pambansa Complex bukas, Hulyo 23.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, nasa full alert status na ang kapulisan para sa SONA ng Pangulo upang matiyak na magiging mapayapa at matiwasay ang okasyon.

Inaasahang nasa 7,000 hanggang 10,000 ra­li­yista ang magdaraos ng kilos protesta na tatapatan naman ng tinatayang mahigit 6,000 pulis.

Binigyang diin nito na paiiralin ang maximum tolerance sa hanay ng mga demonstrador at naka­handa rin sila sa posibleng pagbabanggaan ng pro at anti-Duterte protesters.

Sinabi ni Albayalde na wala ng barikada at hindi na rin gagamit ng mga container vans matapos ang naunang ugnayan sa pagitan ng PNP at ng sektor ng mga militante.

“So far and I hope ngayong taon ay maging maayos ulit,” ani Alba­yalde na nakiusap sa mga demonstrador na isagawa ang kanilang kilos protesta ng maayos at matiwasay.

Inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar na ipatutupad nila ang maximum tolerance pero kung may mga bayolente o pasaway na mga militante ay ipatutupad nila ang batas laban sa sinuman.

“If it will endanger dun sa safety ng iba, that would be the last option, kung may mag-violate aarestuhin natin,” ani Eleazar, Task Force SONA 2018 commander.

Bukod dito ay may mga augmentation forces rin galing sa Police Regional Office (PRO) 3 at iba pang units gayundin ang mga task force multipliers.

Sinabi naman ni Col. Noel Detoyato, hepe ng AFP Public Affairs Office, na nakahanda na ang 1,200 sundalo para sa SONA ni Pangulong Duterte kung saan 600 dito ay idedeploy katuwang ng pulisya at 600 naman ang standby sa Camp Aguinaldo na handang magresponde anumang oras.

Bagaman walang namomonitor na banta ng panganib sa SONA, sinabi ni Detoyato na naka-red alert status ang militar dahil mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras.

Naka-standby din ang apat na armored vehicles, 16 M35 trucks, 19 KM450, 7 ambulansya at pitong Special Purpose Vehicles para magresponde sakaling magkaroon ng kaguluhan.

“The AFP calls on our people to report to authorities any suspicious individuals and activities in their surroundings. The fight against terrorism and the preservation of peace is a shared responsibility of everyone,” giit pa nito.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHI­LIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with