^

Bansa

Gobyerno pinaaksiyon sa COA report

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno pinaaksiyon sa COA report
Ayon kay Lacson, kahit na anong administrasyon na nagsasabing seryoso sa paglaban sa korupsiyon ay dapat silipin ang report ng COA at gumawa ng aksiyon.
Geremy-Pintolo

MANILA, Philippines — Hnikayat kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ang administrasyon ni Pangulong Duterte na aksiyunan ang mga inilabas na report ng Commission on Audit kung saan kinukuwestiyon ang sobrang laking pondo na nagamit ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Lacson, kahit na anong administrasyon na nagsasabing seryoso sa paglaban sa korupsiyon ay dapat silipin ang report ng COA at gumawa ng aksiyon.

Sinabi pa ni Lacson na kung babalewalain ang ulat na inilabas ng COA kamakailan ay magpapatunay na “lip service” lamang ang sinasabing kampanya laban sa korupsiyon.

Sa report ng COA, natuklasan ang P334.8 milyong halaga ng sobra-sobrang “perks” ng mga opisyal ng Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (Pagcor) noong 2017.

Inirekomenda rin ng COA ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa P38 mil­yong “deficient” disbursements noong 2017 Asean Summit na isinagawa sa bansa.

Kabilang sa mga kinuwestiyon ng COA ang pagbili ng PCOO ng goods at services na nagkakahalaga ng P27,503,535.40, at van rentals na umabot sa P7,264,450.

Kinuwestiyon din ng COA ang pagrenta sa mga IT equipment na nagkakahalaga ng P4,039,140 dahil mas makakatipid umano ang PCOO kung binili na lamang ang mga kagamitan na aabot lamang umano sa P964,872.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with