^

Bansa

Digong hindi na haharapin ang mga raliyista

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digong hindi na haharapin ang mga raliyista
Sinabi kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi na mauulit ang ginawa ng Pangulo noong nakaraang taon na naki­pagharap ng personal sa mga raliyista.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Hindi na haharapin ni Pangulong Duterte ang mga raliyista pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Sinabi kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi na mauulit ang ginawa ng Pangulo noong nakaraang taon na naki­pagharap ng personal sa mga raliyista.

Ayon pa kay Go, tiyak na babastusin lamang ng mga ralisyista ang Pangulo kaya walang dahilan para harapin niya ang mga ito.

Inaasahan na rin ng Malacañang na muling magsusunog ng effigy ni Pangulong Duterte ang mga magsasagawa ng rally sa Lunes. 

Nauna ng hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga raliyista sa kanyang SONA at tiniyak din nitong magpapatupad ng “maximum tolerance” ang pulisya at militar na magbabantay malapit sa House of Representatives sa Quezon City.

Sa isang talumpati sa Davao City noong unang linggo ng Hulyo mismong ang Pangulo ang nagsabi na puwedeng mag-rally ang mga anti-Duterte at mga taga-oposisyon.

“And if there are so many wise girls there, women, and itong mga opposition na mag-rally, of course you can go to rallies. Air your grievance. That is a constitutional guarantee. Seek redress, shout on the streets. Gusto ko nga magpista kayong lahat. I will declare the next two days as bakasyon time. So that all the people can go there during the SONA address at mag-demonstrate kayo doon,” sabi ni Duterte. (Joy Cantos)

vuukle comment

SONA 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with