^

Bansa

‘Patay ang Cha-Cha kung walang suporta ng Senado’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Patay ang Cha-Cha kung walang suporta ng Senado�
“Anumang hakbang na gawin ng Kamara para baguhin ang Saligang Batas na hindi kasama ang Senado ay unconstitutional,” sabi ng senador.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Bam Aqui­no na unconstitutional ang anumang tangka ng House of Representatives na baguhin ang 1987 Constitution nang walang partisipasyon ng Senado.

“Anumang hakbang na gawin ng Kamara para baguhin ang Saligang Batas na hindi kasama ang Senado ay unconstitutional,” sabi ng senador.

Ang pananaw ni Sen. Bam ay sinuportahan ng ilang miyembro ng consultative committee, kabilang ang chairman nito na si retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, retired Associate Justice Eduardo Nachura at dating Senate President Aquilino Pimentel.

“I expressed my personal opinion that the voting should be done separately by both Houses of Congress and I gave my reasons for that opinion,” wika ni Puno, na ibinatay ang opinyon sa kasaysayan at pag-aaral sa iba’t ibang probisyon ng 1987 Constitution. 

“It cannot be done na sila lang,” wika ni Pimentel, na tinutukoy ang House of Representatives.

Sa kanyang parte, sinabi ni Nachura na batay sa isinulat niyang libro ukol sa Constitutional law, dapat gawing hiwalay ang botohan. Sumang-ayon naman ang iba pang miyembro ng consultative committee na sina professors Julio Teehankee at Edmund Tayao sa pana­naw ng kasama nila sa komite.

Nanindigan din si Sen. Bam laban sa anumang pagkilos na ipagpalliban ang 2019 elections. 

“Ang eleksyon ay haligi ng demokrasya. Kapag binuwag mo pa ang hali­ging iyon, baka gumuho ang demokrasya natin,” wika ni Sen. Bam.

vuukle comment

BAM AQUI­NO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with