Dumalo sa launching ng Mango Remittance CU Inc. sina (mula kaliwa) Mr. Andrelille Christian A. Cruz “Attorney”; Jose Jonas M. Cochico, III CEO/Presidente; Congressman Vicente Veloso; Toshihide Miyauchi at IT Manager Mohamath Mustafa, na ginanap sa City of Dreams, Parañaque City.
Hi-tech online remittance sa OFWs inilunsad
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang high-tech online remittance ang inilunsad para makatulong sa mga overseas Filipino workers sa bansa at makapagbigay ng maraming trabaho sa mga Pinoy.

Nasa 100 negosyanteng Hapones ang dumalo sa naturang launching, na inorganisa ng Mango Remittance CU Inc. (MRCUI) na ginawa sa City of Dreams Ballroom sa Parañaque City.

Ayon sa MRCUI, malaki ang maitutulong ng online remmitance sa mga OFW dahil mas mapapadali ang transaksiyon at mas makakamura. Maari rin aniyang mag-invest sa naturang kumpanya ang mga negos­yante o mamumuhunan.

Para maka-avail ay kailangang i-download ang application sa cellphone gamit ang internet.

Nabatid kay MRCUI Chief Executive Officer (CEO) at President Jose Jonas M. Cochico III, layunin ng kanilang kumpanya na magbigay ng magandang serbisyo sa lahat ng magiging stakeholder nito at maging sa mga OFW.

“Nais naming mag-alok ng mas abot-kaya at praktikal na aplikasyon sa pagpapadala ng pera sa ating OFWs,” sabi ni Cochico.

ONLINE REMITTANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with