^

Bansa

2,111 menor de edad huli sa drug war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2,111 menor de edad huli sa drug war
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, simula 2011 hanggang Hunyo 15 ng taong ito ay nasa 2,111 menor de edad ang kanilang naaresto na nagkakaedad 17-anyos pababa at ang pinakabata ay isang 6-anyos na ginawang drug courier ng sindikato ng droga.

6-anyos pinakabatang courier

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 2,111 menor de edad na ang pinakabata ay 6-anyos na ginawang courier ng droga ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa serye ng anti-drug operations sa bansa.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, simula 2011 hanggang Hunyo 15 ng taong ito ay nasa 2,111 menor de edad ang kanilang naaresto na nagkakaedad 17-anyos pababa at ang pinakabata ay isang 6-anyos na ginawang drug courier ng sindikato ng droga.

Ang mga nasakoteng menor de edad ay itinurnover na sa Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

Sinabi ni Aquino na ang mga nailigtas na mga kabataan ay mga drug pusher na aabot sa 959; 725 drug possessors; 277 drug users at 11 ay mga bumisita o nagtungo lamang sa mga drug den.

Ang iba pa ay mga couriers, cultivators, traffickers, kasabwat, empleyado ng mga drug den at maintainers ng iligal na droga.

Binigyang diin ng opisyal na malinaw na nagsasaman­tala ang sindikato ng droga sa pagiging inosente ng mga kabataan sa ilalim ng Section 6 ng Republic Act (RA) 9344 o ang The Ju­venile Justice and Welfare Act of 2006 na nagpapawalang sala sa mga kabataan sa pananagutang kriminal.

Sa kabila naman ng mga menor de edad ang mga ito ay maaari pa ring panagutin sa batas kapag napatunayan ng korte na sinadya o sa pag-intindi ng mga ito ay lumabag sila sa anti-drug law. 

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with